Thursday, August 12, 2010

I Lost Before I Had: Chapter 2

I LOST BEFORE I HAD

Chapter 2: Identifying what’s really inside…

The connection continued and it formed a friendship. Lage na nga kami nagkakakwentuhan pag gabi eh, kasi un lang yung panahon nalibre kami pareho, busy ako sa umaga tapos siya naman busy sa hapon.

Nung isang araw, papunta akon Chemistry Laboratory na Makita ko si ton-ton (my given nickname for Anthony) sa secong floor ng College of Arts and Sciences. Sinutsutan ko siya and he noticed me and smiled. Ang laki ng pinagbago ng pakikitungo ko sa kanya nung nakilala ko siya ng lubos, and there were myths he proved that I’m wrong:

1. That he is boastful, sa totoo lang, napakahumble nga niya eh

2. That he is suplado, ah sapat na siguro yung mga naikuwento ko para ma-rate niyo siya db?

3. na makapal ang mukha niya, eh mas mahiyain pa pala siya sakin eh

And kaya pala siya napasama sa special section kasi he has this heart problem, naku, pero halos lingo-linggo naman siya nag-iinom, lagi na lang ata nasa bahay ng barkada yun tuwing mag text skn ng sabado o kaya ng lingo, but at least, namotivate ko siya pumasok ng maaga pag-linggo.

One Sunday, nautusan kami na linisin ang multi-purpose gymnasium. Ayos kami ng ayos ng upuan, walis dito, walis doon, at nung mejo kakaunti na ang aayusin, “jen, halika dito dali” tawaga ni tot at tumakbo kami papunta sa stage. Naupo ako. Binuksan niya yung electric fan at tinapat samin. Its like having a date on a windy place. “kayo na ang laging magkasama” sabi ni Moy na umupo sa tabi ko, nagkatinginan kami ni ton. Ramdam ko na nag-blush ako. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya, napag-isip isip. “oo nga anu!” sabi ko sa isip ko, “lagi nga kami magkasama ni ton-ton, kung nasaan ang isa, nandun yung isa, eh anu naman! Inggit siguro ‘tong si Moy, if I know, nung isang buwana lang, mega iyak siya, nung maaga siya pumasok, panu, nag-brake na pala sila nung Lucky niya, kaya ayun, siguro si Anthony naman ang pinupuntirya nito!!!” napangiti na lang ako kay Moy, pero parang bale-wala lang, ganoon pa rin naman kami ni Anthony eh.

THE DRILL NIGHT…

Ton: jen, wat tym k pu2nta?

Me: 5

Ton: la p aq tiket!

Me: bili kita

Ton: wag n!aq n lng…

Me: eh, aq n. wat tym k drting?

Ton: ah, 6 cgro, tgl aq lgo eh, lm mu yan db?

Me: cguro DOTA k muna noh?

Ton: ou!hehe la n ata aq maili2hm sau ah!

Me: pwd k mglhm, kw kc eh, kwen2 ng kwen2.hehe

Ton: uo nga nuh! Noud tau ng fav, shou natin..

Me: nanu2od na me, kw b?

Ton:ou! Gnda nuh?

Me: prng bata ih!!!maen kn?

Ton: hnd pa!

Me: lmps na sched ng pagkain mu ah!

Ton:wg kn po glt!eat n po me..

And there is no reply till 4! Manigas ka! Hindi ka kumakaen sa oras ih!

5:30

Dumating ako sa school…

Cel: wer k?

Me: loob kaw?

Cel: bhy pa!

Me: ptwa ka! DALI…

Cel: opo, teka lang..

And she came at exactly 6, I bought 3 tickets for me, Cel and Ton. Nakita ko siya sa may gate, di ko tinawag. Lumapit siya sakin, “galit ka pa?” tanong niya. “bakit? May karapatan ba?” sagot ko pero talagang galit ako. “wag na kasi” suyo niya at pumasok kaming tatlo sa loob ng gymnasium. Ininvite ko si Cel para maging sponsor ko sa gabing ito! Haha buti na lang at mabait to. Wala siguro magawa sa bahay kaya ayun, sumama na rin. Mejo napaaga kami. Wala pa masyado tao nung dumating kami. Mga 8 na nagsimula ang program. And the emcee invited the public to dance. Mukhang walang balak sumayaw si Cel eh, ako wala talaga ako balak mag-sayaw, hahaha, tinext ko si Anthony kht katapat ko lang siya, napansin ko kasi na inaantok na siya, mga 9:56 na ata nun,

Me: ton, sleepy?

Ton: ah, hindi pa! mukha ba?

Me: uo! Super halata kaya…hehe wag mu na ikaila!

Ton: la kc magawa ih!

Me: syw mu si Cel..

Ton: ung ksm mu?

Me: uo!

And they danced, nkita ko silang nag-uusap. Pagbalik nila, tinanong ko si Cel, “anu pinag-usapan niyo?” umupo si Cel, “ah, wl nmn, tnanong lang niya ako kung anu name ko and san ako nakatira” sabi niya, “3 minutes kayo nagsasayaw yun lang nangyari?” sabi ko pa na parang di naniniwala” nahalata ni Cel, “eh d wag ka maniwala!” sabi ni Cel.

Ton: w8 lng ha

Me: o, san k pu2nt?

Ton: may is2yw lng me

Me: k

Matagal tagal din nawala sa tabi ko si Anthony, at biglang umeksena si Moy, “oh, nasan na si Anthony? Don’t tell me mag-kakaway kayo?” paguusisa ni Moy. “ah, hindi ah, bakit naman kami mag-aaway?” sabi ko pa, “abah, malay ko kung baka meron ng maging dahilan eh” at talagang may diin sa salitang “dahilan” hindi naman ako tanga para hindi ko ma-gets ang sinasabi o ipinapahiwatig niya. “ah, wala naman kasi ma-eexpect sa mga katulad niya lalo na at ako pa yung ipapareha mu sa ganun, torpe na nag ako, mas torpe pa yun!” sabi ko pa ng seryosong seryoso. “ah, ganun ba? Kala ko kasi patay na patay ka dun, kala ko kaya mo na gumawa ng paraan..para alam mo na.” sabi niya, wow! Hanep ang lakas, hindi ako ganun ka-desperate tulad ng iniisip niya, pero somewhat may nakuha akong something sa sinabi niya. Kakaisip hindi ko napanisin na dumating na pala si Anthony, “oh, parang ang lalim ata ng iniisip natin jan ah” sabi miya, “ah, wala naman,” sabi ko, “cge Jen, isipin mo mga sinabi ko sa’yo ha!” sabi pa ni Moy bago siya tuluyang umalis. “anu daw yung pag-iisipan mu?” tanong ni Ton, habang nakatingin sakin, ang mga mata niya ay naghihintay ng isang tinong sagot, yung tipong hindi mo dapat biruin. “ah, isang mahalagang bagay na hindi dapat malaman ng mga lalaki.” Sabi ko na lang, ngunit may nalimutan akong isang bagay sa sagot kong iyon, “lalaki Karin naman ah, ang daya daya mo talaga!ako honest sayo pero ikaw naman,ang labo mo talaga.” Sabi niya sabay layo mula sa kinakauupuan ko. “teka, ton!” sigaw ko ng mejo malayo na siya sa akin. Huminto naman siya pero may biglang tumawag sa kanya, rinig na ringi ko ‘yon kahit pa malakas ang mga sounds noon. “ano, nag-away kayo?” si Moy ulit, nangungulit, parang inexpect na niya ang mangyayari, ayoko lang talaga patulan tong si Moy, dahil mas matanda kaya yun sakin, pero pag sumombra siya, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko kung anu na ang masabi ko, buti na lang nakumbinsi ko ang sarili ko na huminahon sa kabila ng nangyari, patuloy sa pagsasalita si Moy pero parang wala akong naririnig. Mas bibibigyan ko ng attention ang inasal ni Anthony, parang hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkakareact niya sa mga sinabi ko, wala naman akong sinabing masama ah, hindi ko lang naman sinabi ang mga bagay na iniisip ko, masama bay un, ganun nab a ako kaunfair para sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin if ever man na bumalik siya o kung babalik pa nga ba siya, ang gulo-gulo at ang lahat ng ‘to ay dahil kay Moy. Ilang oras na wala si Anthony ah, mag-2 am na, nasan kaya yun? Tanong ko sa sarili, patuloy pa rin ang malakas na tugtog at marami pa rin ang nagsasayaw. Grabe! Ano ‘ton nararamdaman ko, parang alalang alala ako sa kanya. Bigla ko naalala yung sinabi niya na “ah, ako pag nainip ako, magpapasundo na lang ako kay papa, kilala mo na si papa noh?” na sinabi niya kanina nung papasok na kami sa gymnasium. Ilang minuto ko rin hinanap si Anthony kung isa na ba siya sa mga taong nagsasayaw, pero bigo ako na makita siya, sa mahigit na 5,000 na katao na nasa loob ng gymnasium, bakit hindi ko siya Makita, eh kilalang kilala ko naman siya. Mababaliw na at ako, ewan ko, pero my instinct says na nasa may likuran siya, dun sa tipong hindi ko talaga makikita kahit tumayo ako. I have made a decision, tumayo ako, “Cel, jan ka muna ha!” sabi ko kay Cel na nasa tabihan ko. At pumunta na ako sa likuran, hindi ako nahirapan sa paghahanap sa kanya, halos mapaiyak ako ng Makita ko siya na natutulog lang. halos mamatay ako kakahanap sa kanya. Lumapit ako, “ton, ton, gising” at nagising na nga siya, “o, jen anu ginagawa mo dito?” tanong niya. “para ka po kasing ewan jan, nag-iisa ka sa part na ‘to, dito ka pa natulog!” sabi ko sa kanya. “bumalik na tayo don” sabi ko matapos and ilang sigundong interval. Sumunod naman siya. Naupo ulit kami kung saan kami nakaupo kanina.

No comments:

Post a Comment