So Close yet...
Pasado ala - 6 nang umaga. Aalis na ang mga magulang ni arthur. "apo, magpapakabait ka kay papa, ha?" pagbibilin ni Utao sa apo. nakasakay na sila noon sa kotse. "arthur, ang apo ko ha" parang galit na sabi ni ryuichi "opo, papa!" sagot ni arthur "ingat po kayo!" paalam ni tadase at nagflying kiss naman si jake. "oh, aalis na kami" paalam ni miki. "ate, sina papa at mama ha, ingat kayo" paalam ni arthur at umalis na nga ang mga pauwi nang probinsya. "oh, pano ba yan jake, sino ang gusto mong magbantay?" tanong ni arthur "ako na po tito, tutal, katatapos lang naman nang exams natin" sagot ni tadase "sigurado ka? hindi mo makikita ang mga legs ni ms. eiri ngayong araw" panunukso pa ni arthur sa pamangkin "ayos lang yon to, ngayon lang naman eh, pakitignan na lang para sa'kin" sagot ni tadase. "luko - lukong bata" sabay batok sa kausap. "jake" tinawag niya ang anak, at humalik dito "sige, aalis na si papa" paalam nito sa anak. "pasalubong!" sabi pa ni tadase at naglakad na si arthur papuntang owara.
"Good morning sir Herikawa" bati ni yuki kay ryu nang pumasok ito ng principal's office, kasama niya ang mga president ng iba't ibang club ng owara. "good morning, what can I do for you?" ryu asked at isinenyas nya na maupo sila yuki sa chair na nasa harapan nang table niya. "ahm sir, i just want you to read upon this resolution we, members of different clubs, have agreed upon" at iniabot niya ito kay ryu. "tell me a brief description about this, ms. kamishiro" ryu is reading the papers but he also wants to hear it from yuki. "actually sir, the resolution is about clubs of owara. we are asking for assistants from the school administration. by this way we can encourage the old and new students of owara to join clubs., moreover, the resolution also requests to add increase on their salaries. this may enliven the clubs and the studentry of owara" she explained.
That Afternon, right after the classes have ended, yuki and nadeshiko went to the central park. "eto yung sinasabi ko sa'yong lugar ate nadeshiko" sabi ni yuki "great yuki!" papuri nito sa pinsan. "malapit lang ito sa bahay, malawak, accessible to all parts of nagano, at may palaruan pa, Thanks baby" dugtong pa nito. pinuntahan nila yung bahay na malapit sa park na may nakalagay na "for rent" sign. kinausap nila ang may - ari at nirentahan nila agad iton dahil mura lang naman ang renta. maayos pa naman ang bahay. maganda pa ang pintura ang kailangan na lang ay magmukhang kaaya - aya sa mga bata. "we have a lot of things to do" sabi ni nadeshiko "tatawag ako ng back - up this weekend" sabi pa ni yuki. "talaga? it'll be great" masayang sabi ng pinsan "but i have to warn you, they eat a lot" dugtong ni yuki. tumawa si nadeshiko.
"Hindi pwedeng laging ganito!" sabi ni arthur. "alam ko po yun, pero saan naman natin siya iiwan?" tanong ni tadase. napaisip si arthur. wala siyang idea. "may two weeks ka para mag - isip nang paraan arthur" sabi ni miki "two weeks? ate! baka matanggal ka sa trabaho niyan" pagaalala ni arthur "wag ka ngang paranoid, alam ko sinasabi ko, tsaka naka vacation leave ako, kaya ayos lang yun" sagot ng ate niya. "two weeks" ulit ni arthur "papa, papa" tawag ni jake. lumapit ang ama. niyaya siyang manuod ng tv nang anak. tuwang tuwa ang ama sa anak habang tumatawa ito. nakikita niya ang sarili sa anak. pati ang kababawan nito sa mga jokes ay nakuha nito. ang paraannang pagtawa. tumingin sa kanya ang anak at ngumiti. binuhat niya ito at iniupo sa kanyang hita at payuloy silang nanuod. yapos yapos niya ito. makalipas ang ilang minuto nilang panunuod, nakatulog na si jake. binuhat siya ng ama at inihiga sa kama. hindi makatulog si arthur sa kakaisip nang paraan kung paano ang magiging lifestyle nilang mag - ama pagkatapos nang dalawang linggo. isa pa ay iniisip niya ang nalalapit nang pagpasok nang kanyang anak. malaki - laki na rin naman ang kanyang naipon pero hindi niya maiwasang mag worry. ayaw niyang maging failure sa mata nang anak niya. gusto niyang panindigan ang anak na kahit anong hirap ay kakayanin niya. nagbalik siya sa sarili nang maramdaman niya na niyapos siya nang anak niya. tinitigan niya ito. nagulat siya. tila may nakitang di inaasahan. lalo tuloy siyang hindi nakatulog. tumingin siya sa labas nang bintana at bumulong "chiharu"
Naganap ang malaking club meeting sa gymnasium. Si yuki ang pangunahing speaker at talagang nagpakita nang interest ang mga estudyante pati na rin ang mga guro. natapos ang meeting bago ang lunchbreak.abal si yuki sa pag - iisip kung sino ang kukuning adviser ng radio club. ni hindi niya naintindihan ang mga lecture ni sir asamoto nung hapon na iyon. nakatingin lamang siya dito at nakangiti, siguro to hide that she is not interested with today's lecture and she is thinking of something important. pagnakikita siya nang guro na nakatingin siya ay nahihiya siya. nang matapos ang clase, "kamishiro, do you have a minute?" tanong ni arthur bago pa siya makalabas nang classroom. kinabahan si yuki in an instant. tumango ito at sumunod sa guro. "hintayin nyo ako ha?" bilin pa nito kina arle at koichi. nakita niyang naghihintay si arthur sa labas nang faculty rom. nilapitan niya ito "sir, bakit po?" tanong niya. "kamishiro, i just noticed that you are spacing out while im teaching, am i boring for you?" tanong ni arthur "no sir!" mabilis na sagot ni yuki. nagulat man si arthur ay hindi niya ito pinakita. "sorry sir, i'm just thinking of something, sorry" pageexplain niya "whatever it is kamishiro, please focus more, i want you to always listen to me, only to me" sabi niya. nagulat si yuki at halata ito sa reaksyon niya. pati si arthur ay nagulat sa sinabi niya. "well, then, thanks!" sabi pa ni arthur at binuksan niya ang pinto nang faculty "sir?" takang tanong ni yuki "thanks, because you said Im not boring" sabi nang guro and he smiled. "ahm sir" tawag ni yuki at napabalik si arthur sa may pinto nang faculty "ahm, sir, pwede po ba kayong magdinner sa bahay tonight?" tanong niya "huh?" na lang ang nasabi ng guro "ahm, its an invitation from my mom, its her birthday today" pangangatwiran niya. arthur smiled again "bakit ba hindi ko mahindian itong si yuki" sabi niya sa sarili "sure thing, i'll drop by at 7 if it's alright" he said "thanks" na lang ang nasabi ng dalaga at tumalikod ito sa guro "chiharu!" bulong ni arthur habang natakbo palayo si yuki. "bilis" sabi ni arle kay yuki at tumakbo silang lahat pababa nang building. "anong meron yuki?" tanong ni reno "basta, tayo na sa park" na lang ang sinabi niya at nagtakbuhay silang lahat papunta sa park. ipinakita ni yuki ang bahay na gagawin nilang prep school. "wow! prep school" sabi ni arle "drop by kayo sa sabado ha, tulungan nyo kami ni ate" sabi ni yuki "bakit di na lang tayo mag - overnight nang friday?" suggestion ni hero na sinangayunan naman na barkada. niyaya niya ang mga barkada sa kanila, pero tumanggi sila, baka daw kasi di na sila payagan sa friday pag gabi na sila umuwi ngayong araw. "tita, pasensya na po, may aatendan po kasi si ryu na meeting, eh isinama po ako, happy birthday po, babawi na lang po kami" sabi ni nadeshiko. nagbeso ito sa tita at sa pinsan nang maabutan ito bago siya lumabas nang pinto. malungkot si hikari pero nang niyapos siya nang anak, ay kuntento na siya "mama, happy birthday po" at hinalikan niya ito.
"Tadase, jake" tawag ni arthur sa dalawa matapos magbihis. "papa, bakit po?" tanong ni jake "aalis lang si papa saglit ha" sabi nito sa anak. "ikaw na muna ang bahala dito ha tadase, wag kang matutlog hanggat wala ako" bilin nito sa pamangkin "opo!" sabay na sagot nang dalawa. iniwan niyang naglalaro nang playstation ang dalawa sa living room. ilang metro lang ang layo nang bahay niya sa mga kamishiro. dala dala niya ang isang regalo para sa ina ni yuki. Nagdoorbell siya. actually kinakabahan siya at baka nandon ang barkada ni yuki. si yuki ang nagbukas nang pinto. "good evening po, pasok po sir" sabi nito sa bisita. lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni arthur. nang makarating siya sa salas ay nagulat siya, walang tao doon. "ah, actually po, kayo lang po ang bisita ni mama, di kasi sila pinayagan" paliwanag ni yuki at talagang nakahinga nang maluwag ang guro. Lumabas mula sa kusina si hikari, nakita niya ang binata "magandang gabi ijo, pasensya ka na sa abala" sabi nito "ah, wala po yun ma'am" natatawang sabi ni hikari "tita hikari na lang" dugtong pa niya "ah, sige po, tita" nahihiyang sabi ni arthur taht somehow made yuki's face red. "ma! sir! kakain na po" yaya ni yuki. sumunod naman sina hikari at ang bisita. Ilang putahe lang ang nandoon, pero lahat ay mukhang masarap. "ahm, si sir kamishiro po?" wala sa lob na tanong ni arthur. medjo nakita niya ang lungkot sa mata ni hikari "soory, i asked" biglang bawi niya. umiling si hikari "no ijo, okay lang yun, di ko lang talaga mapigilan, wala kasi siya dito" malumanay na sagot ni hikari "nasa new york po si papa, may meeting" dugtong ni yuki "ah, i see" sabi ng nagtanong "ijo, wag kang mahiya, dig in!" sabi ng birthday celebrant. nagsimula silang kumain. "sir, gusto nyo pa po?" inaalok pa ni yuki si arthur nang ulam. kumuha lang ang binata. napatingin ito sa dalaga and he spaced out. saying "chiharu" again. "sir?" takang taka si yuki at nakatingin lang sa kanya ang guro. natauhan lang siya nang magtanong si hikari
"ilang taon ka na ijo?" tumingin sa kanya si arthur
"27 po"
"aba'y bata ka pa pala, may girlfriend ka na ba?"
"wala pa po"
"mahirap sigurong maging teacher"
"hindi po, talaga lang po sigurong di pa panahon"
"ah, ayaw mu sigurong maabala"
"hindi po, hindi naman po abala yun eh, inspirasyon"
natawa si hikari. "baka pihikan ka lang talaga"
Hindi makasagot si arthur. "sa itsura mong yan, malamang napakadaming babae ang patay na patay sa'yo" parang gustong mabulunan ni yuki sa narinig "i don't know if that's a compliment or what tita, pero masaya pa naman po ako sa buhay ko ngayon" magalang na sagot niya. "kung matanda - tanda lang si yuki" sabi ni hikari "mama!" pigil ni yuki "tapos na akong kumain" sabi pa niya at nagpunta siyang cr. nagtago doon para maitago ang pamumula nang kanyang mukha "pasesnya ka na ijo, binibiro lang kita" sabi nito sa binata "okay lang po tita" sabi niya na somewhat may sayang nararamdaman sa kalooban. saglit na tumahimik si hikari "alam mo ijo, sadyang mahiyain yang si yuki" pagsisimula nito sa kausap at nakikinig naman si arthur. 'lumaki kasing mag - isa. ni walang kaibigan yan noong elementary siya. ngayong high school, nang magkabarkada siya, ako ang pinakamasaya. kasi sa wakas, marunong na siyang makihalubil sa iba. ang saya ko nung ipinakilala niya sa akin si arle, ang kauna - unahang barkada niya na pumunta dito sa bahay" sabi pa niya. "noong bata pa siya, pag birthday niya, para akong sirang plaka kakatanong kung maydarating ba siyang bisita, at ang lagi lang niyang sagot, wala naman pong ggustong kuma - usap sa akin kaya di nila alam na birthday ko ngayon" nakaramdam nang kirot sa puso niya si arthur, alam niya ang ganoong pakiramdam.
"Bukod sa barkada niya, ikaw pa lang ang nakakapunta dito sa amin na mula sa owara, kaya" pinutol niya ang pagsasalita at tumingin sa kausap "kaya, naisip ko, marahil importante ka din sa anak ko, kaya masaya ako kasi inaalagaan mo siya, that alone, im so greatful" ang mga sinabi ni hikari na laging naaalala ni arthur even on his way home. madaming naikwento si hikari at marami din siyang nalaman. nang makauwi siya, nadatnan niya sina tadase at jake na tulog sa kwarto ng binata. pinabayaan na lang niya ang dalawa at natulog na din siya.
"Kamusta ako nga pala si nadeshiko" pakilala niya nang dumating ang barkada ni yuki. "sila naman po ang barkada ko, si arle po itong nasa tabi ko, si reno ang cute na chubby, si naoimi, si hero po at si koichi" pakilala ni yuki "kamusta po, nice to meet you" sabay sabay na bati nila. natawa si nadeshiko. "let's get moving guys!" sabi ni reno "okay!" anng sagot nang lahat. si reno ang nagdo - drawing sa mga karton at si naomi ang taga gupit nang mga iyon. sina hero at koichi naman ay abala sa paggawa ng mga sirang table at upuan na donasyon nang owara at mga kapit bahay. si yuki naman ang taga sulat ng mga visual aids at si nadeshiko ay nag aayos - ayos nang lahat.abala ang lahat. napansin ni naomi na madalas ang pagsilip ni nadeshiko sa labas "hinihintay ninyo po ba si arle ate?" tanong nito "ah, bukod sa kanya may isa pa akong hinihintay" sagot niya. si arle ang nautusang bumili nang mga makakain nila para sa maghapon at magdamag. naglalakad siya sa bayan nang makita siya ni tadase "need help?" tanong nang binata "ah, thanks" na lang ang nasabi niya nang kunin ng binata ang mga dala niya.
"saan po ba tayo ma'am?"
"sa central park" sagot niya nang mahina
"talaga? doon din ako papunta eh!"
"pagkakataon nga naman" sabi nila sa kanilang mga sarili
Biglang bumukas ang pinto nang prep school at pumasok si arle. Nagulat ang lahat nang kasunod niyang pumasok ang binata "tadase!" bati ni nadeshiko at niyapos niya ang binata "i'm glad you made it" sabi pa niya. "oh, bakit?" tanong niya nang makita ang pagkagulat sa mga mukha nang mga magbabarkada.
"Ah, nagkakilala kami nung isang araw jan sa may park" kwento ni nadeshiko nang gabing iyon habang pinagsasaluhan nila ang pagkain. "magkakilala po kami" sabi ni yuki
"talaga?"
"owara din po kasi siya"
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga kung anu - anong bagay. Napansin ni nadeshiko ang madalas na pagsulyap ni koichi kay yuki. madalas din niyang pansinin si yuki, ang kalat nito pagkumakain, ang pagsasalita at pagtawa habang may laman pa ang bibig. siya din ang nag - aabot nang tubig dito pagnabubulunan. tissue. inaalok siya nang kung ano man ang kinakain niya. then its clear to nadeshiko what's with koichi. tinignan niya ang binata. gwapo ito, kayumanggi ang balat, may height, maganda ang katawan, maasikaso, malambing siya kay yuki. "koichi" sabi ni nadeshiko "po?" sagot niya "ang bata bata mo pa pero ang ganda - ganda na nang katawan mo, anu yan gym?" umiling ang binata "hindi po" sagot nito. "banat sa gawaing bahay, at tsaka" si naomi ang sumagot at pinigilan siya ni reno pero nakuha nun attention ni nadeshiko "at tsaka" si nadeshiko. nagtinginan ang barkada. "may nasabi ba akong masama?" takang tanong ng kanilang ate. umiling ulit si koichi. "wala po, katunayan po" sagot ng binata, malungkot "nanay ko po, dahil po sa nanay ko, may sakit po kasi siya, di na makagalaw, matagal - tagal ko rin po siyang inalagaan kaya po siguro ganito" sagot ng binata. "medjo nataba na nga po ulit ako eh!!" pagbibiro pa nito. saglit na katahimikan ulit. nakita ni nadeshiko ang lungkot sa mga mata ni koichi. kinulbit siya ni yuki na nasa tabi niya at sinubuan siya ng siomai, ang paboritong pagkain ng binata. kinain niya iyon sinigurado niya kay yuki na okay lang siya.
Masalamuot ang buhay ni koichi. Nang mamatay ang kanyang ina, naging malungkot siya at inabandona siya nang kanyang ama, ilang buwan lamang ang nakalipas matapos nang kamatayan nang kanyang butihing ina. Sinusuportahan siya nang tiya niya na matandang dalaga. mayaman ang kanyang tiya at kung gugustuhin lamang niya ay maibibigay nito ang lahat nang luho na hingin niya sa tiya niya. ngunit hindi ganoon ang binata. mula nang mamatay ang kanyang ina, laging lumalabas si koichi at umuuwi lamang para matulog. marahil he hates the memoirs lingering around the area. sa tuwing lumalabas siya, hindi siya tumatambay, he is working. may part - time job siya sa bayan. Alam ito ni yuki, kaya't sa lahat nang barkada niya ay si koichi lamang ang pinakamalapit sa kanyang ama. Umaasa din siya sa pensyon na natatanggap niya buwan - buwan.
Matagal nang may gusto si koichi sa dalaga. it eventually grew into love. Elementary pa lang sila, gusto na niya ito, pero di naman siya makalapit, dahil alam niyang gusto nitong mapag - isa. ngayong nag high school na sila, masayang masaya siya nang makita si yuki nung unang araw nang pasukan. Kinausap niya ito at di naman siya sinupladahan. lalo pa silang naging malapit sa isa't isa nang maging best friend ni yuki ang kanyang pinsan na si Arle. si yuki ang pinakamalapit na babae ngayon sa buhay ni koichi. at kahit ngayon pa lang, alam na nang binata na si yuki, o ang mga tipo ni yuki ang mga babaeng gusto niyang makasama habam buhay. handa siyang maghintay para sa dalaga. lahat nang iyon, sa maiksing panahon, ay nakita ni nadeshiko sa binata at para sa kanya, pasado si koichi!